10-wheeler truck, nahulog sa bangin sa Quezon

0
172

ATIMONAN, Quezon. Kasalukuyang ginagamot sa ospital ang driver at dalawang pahinante ng isang 10-wheel truck matapos mahulog sa isang bangin sa bayang ito sa lalawigan ng Quezon.

Ayon sa ulat mula sa Atimonan Municipal Police Station, naganap ang insidente mga bandang 6:00 ng umaga sa New Diversion Road, Malinao Ilaya, sa nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, may kargang mga grocery ang nasabing trak patungo sa Bicol nang biglang mawala ang preno na naging sanhi ng pagkanahulog nito sa bangin.

Nagtulong ang mga awtoridad at lang okal na pamahalaan ng Atimonan upang iligtas ang tatlong biktimang sakay ng trak na nagtamo ng matinding pinsala. Kasalukuyan silang nilalapatan ng lunas at nasa estable ng kalagayan, ayon sa ulat.

Nagpa alala ang mga otoridad na itinuturing na accident-prone area ang nasabing lugar kung saan naganap ang aksidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.