100 dating rebelde sumuko; nangako ang PNP sa patuloy na laban sa kawalan ng batas

0
451

Isang daang dating marahas na ekstremista ang sumuko sa mga awtoridad sa isang pormal na seremonya na ginanap sa Sulu Provincial Gymnasium, noong Sabado, Hulyo 30.

May kabuuang 22 baril, na  mahahaba at maiikli ay isinuko din sa ginanap na programa.

Ang matagumpay na ito sa kampanya laban sa kriminalidad at terorismo ay dinaluhan ni Interior Secretary Benjamin Abalos, Philippine National Police Officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., at Sulu Governor Abdusakur Tan.

“This is a collaborative effort among law enforcers, government agencies and other stakeholders sharing a common goal to end violence in communities towards nation building,” ayon kay Danao.

Ang holistic na diskarte upang kumbinsihin ang mga rebelde at terorista na muling bumalik sa mga kanlungan ng batas ay may mahalagang bahagi na tulungan sila sa bagong kabanata ng kanilang buhay.

Nakipagkaisa ang gobyerno sa mga ahensya at non-government organizations na nangako ng tulong para sa mga rebel returnees, ayon sa ulat

Binigyan ng food packs at monetary aid ang mga sumuko. Susubaybayan din sila upang maalalayan ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Sinabi ni Danao na ang sabay-sabay na pagkilos at pagsisikap ang isinasagawa sa buong bansa partikular sa mga lugar na pinamumugaran ng mga rebelde.

“This major achievement in the campaign against criminality and terrorism was attended by Interior Secretary Benjamin Abalos, Philippine National Police Officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr., and Sulu Governor Abdusakur Tan,” ang pagtatapos ni Danao.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.