100K 4Ps beneficiaries, inalis ng DSWD, ATM isinasangla

0
177

Inalis na ng Department of Social Welfare and Development sa talaan ang may 100,000 pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil sa mga anomalya at malaking utang.

Ayon kay Gemma Gabuya, national program manager ng 4Ps, natapos na noong December 2023 ang pagtanggap ng naturang mga pamilya ng benepisyo sa 4Ps matapos madiskubre ang ilang iregularidad.

“Turning over their ATMs to loan sharks is one act that we are in the process of continuously cleansing, because they can be delisted from the program. It’s prohibited. And we have delisted many already,” ani Gabuya.

Alam ni Gabuya ang sitwasyon ng pamumuhay ng ilan pero hindi anya dapat samantalahin ng marami ang programa dahil sila ay kasama na sa cash grant ng conditional cash transfer ng DSWD.

Anya, ngayong taon ay may 1.2 milyong benepisyaryo na ang dapat maalis sa programa upang bigyang pagkakataon ang iba pang mahihirap na mamamayan na makinabang din sa 4Ps.

Sa September 2024 anya ay may 200,000 beneficiaries ang inaasahang ga-graduate na mula sa conditional cash transfer program o mga aalisin na sa listahan dahil wala nang mga anak na pinag-aaral.

Sa ngayon ay kabuuang 339,660 ang nakapagtapos ng pag aaral sa tulong ng 4Ps.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo