11 ang patay, 5 ang sugatan sa pamamaril sa isang Mexican Hotel

0
263

Guanajuato, Mexico. Patay ang labing isang biktima at lima ang nasugatan sa pamamaril sa isang Mexican Hotel at bar sa Celaya sa Mexican State ng Guanajuato bandang. Ang mga suspek sa masaker sa hotel sa Mexico ay iniulat din na gumamit ang mga ito ng handmade bomb upang sunugin ang mga storefront.

Isang grupo ng humigit-kumulang 15 armadong lalaki na may takip ang mukha ang tumalon mula sa dalawang trak at pinagbabaril ang mga kostumer at empleyado sa nabanggit na hotel at bar. Umalingawngaw ang mahigit na 50 rounds, sinunog din umano ng mga attacker ang storefronts ng dalawang kalapit na establisyemento gamit ang mga homemade bomb, ayon sa nabanggit na news outlet.

Mabilis na tumakas ang mga suspek, habang ang mga bisitang nakarinig ng putok ng baril at nakapagtago ay nanginginig sa mga kwarto ng hotel. Dumating sa lugar ang maraming law enforcerat nakita nila ang mga bangkay ng apat na tao – dalawang lalaki at dalawang babae sa loob ng hotel at anim pang bangkay –  limang babae at isang lalaki sa tabi ng bar.

Ang Kalihim ng Citizen Security ng Celaya, Ignacio Rivera Peralta, ay tumugon din sa pinangyarihan, gayundin ang mga opisyal at investigative agent mula sa Regional Prosecutor’s Office.

Bago naganap ang pag-atake sa gabi, sinabi ng mga awtoridad na nakakita sila ng mga plastic bag na may hindi bababa sa tatlong dismembered na katawan noong Lunes sa lugar ng pamamaril. Isang karton ang may nakasulat na mensahe ng pagbabanta mula sa organized crime ang natagpuan sa ibabaw ng mga bangkay.

Nakapagrehistro ang mga local authorities dito ng ilang mga criminal organization sa lugar, kabilang ang isang grupo na kilala bilang Santa Rosa de Lima Cartel, na nakatuon sa huachicoleo, isang terminong na ang kahulugan ay ang mga taong gumagawa ng regular na pagnanakaw at ilegal na pagbebenta ng gasolina ng motor, pati na rin ang paglalako ng mga adulterated na inuming may alkohol.

Labing-isang tao ang namatay at hindi bababa sa limang tao ang nasugatan sa pamamaril sa isang hotel sa Mexico sa Celaya noong Lunes. (Photo credits: El Sol Del Bajio/screengrab sa Facebook)
Author profile
Gary P Hernal

Gary P Hernal started college at UP Diliman and received his BA in Economics from San Sebastian College, Manila, and Masters in Information Systems Management from Keller Graduate School of Management of DeVry University in Oak Brook, IL. He has 25 years of copy editing and management experience at Thomson West, a subsidiary of Thomson Reuters.