11 katao nasagip sa tumaob na bangka sa Quezon

0
170

PANUKULAN, Quezon. Nasagip ng mga awtoridad ang labing-isang indibidwal matapos tumaob ang sinasakyang nilang bangkang de-motor sa bayang ito.

Nagaa ang isidente matapos siklutin ng malakas na hangin at malalaking alon ang bangka sa karagatan sa Polillo island sa bayan ng Panulukan.

Ayon sa Panukulan Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), kabilang sa mga nasagip ang mag-asawang may-ari ng bangka, ang kanilang dalawang buwang gulang na anak, at walong kamag-anak.

Ayon sa ulat, galing ang mga biktima sa isang piyesta sa Brgy. Bonifacio sa Burdeos, Quezon at npupunta sana sa Infanta, Quezon nang biglang silang makaranas ng malakas na hangin at malalaking alon.

Dahil dito, tumaob ang bangka ngunit swerteng nakahawak sila sa ilang bahagi ng sasakyan. Napansin agad sila ng mga mangingisda na tumulong sa kanila at dinala sila sa baybayin ng Brgy. San Juan, Panukulan. Kaagad na tumugon ang mga tauhan ng Panukulan MDRRMO, Municipal Social Welfare and Development Office at ang mga tauhan ng Panukulan Municipal Police Station.

Ayon sa mga awtoridad, lima hanggang anim na katao lamang ang kayang isakay ng tumaob na bangka.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.