11 patay matapos araruhin ng sasakyan ang Filipino festival sa Vancouver

0
60

MONTREAL, Canada. Isang masayang pagdiriwang ang nauwi sa trahedya matapos araruhin ng isang sasakyan ang mga dumalo sa isang street festival ng Filipino community sa Vancouver, Canada nitong Sabado, na nagresulta sa pagkasawi ng 11 katao, ayon sa ulat ng mga lokal na awtoridad.

Nauna nang iniulat ng Vancouver Police na siyam ang nasawi matapos sagasaan ng isang lalaki ang mga kalahok sa Lapu Lapu Festival. Sa pinakahuling update, nilinaw ng mga awtoridad na umakyat na sa 11 ang bilang ng mga namatay.

“A number of people have been killed and multiple others are injured,” pahayag ng mga pulis. “The driver is in custody.”

Ayon kay Vancouver Mayor Ken Sim sa X (dating Twitter), nagtipon ang mga miyembro ng Filipino community upang ipagdiwang ang Lapu Lapu Day nang mangyari ang insidente. Ang festival ay isinabay ngayong taon sa weekend bago ang eleksyon sa Canada.

“Our thoughts are with all those affected and with Vancouver’s Filipino community during this incredibly difficult time,” saad ni Sim.

Batay sa ulat ng Vancouver Police, naganap ang insidente bandang alas otso ng umaga nitong Sabado (0300 GMT Linggo) sa Sunset on Fraser neighborhood sa Vancouver.

“A lone suspect, subject male with one vehicle, drove through a crowded community event occurring near here. That male was taken into custody at the scene by the crowd. It was a Filipino community event,” ayon kay Vancouver Police interim chief Steve Rai.

“It would be unfair for me to speculate on exact numbers, as the victims were taken to multiple hospitals in the region,” dagdag pa niya.

Ang Lapu Lapu Day ay ipinagdiriwang sa Pilipinas bilang paggunita kay Lapulapu, ang bayaning pinuno na namuno sa mga mandirigmang Pilipino na tumalo kay Portuguese explorer Ferdinand Magellan noong 1521.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang motibo ng suspek sa naganap na trahedya.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.