11 Patay sa MSU bombing sa Marawi

0
187

MARAWI CITY. Labing-isa ang nasawi habang marami ang sugatan nang mangyari ang pagsabog sa Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University sa lungsod na ito nitong Linggo ng umaga, Disyembre 3.

Ang pagsabog ay naganap bandang alas-7:30 ng umaga habang nasa misa na dinaluhan ng mga estudyante at mga guro.

Dinala sa Amai Pakpak Medical Center (APMC) ang 46 na mga biktima, kung saan 11 ang kumpirmadong patay at anim ang isasailalim sa operasyon, ayon kay hospital chief Dra. Pinky Rakiin, na sinabi ng Philippine Army 1st Infantry Division (1ID) public affairs officer.

Inilagay na sa code blue ang emergency room ng regional hospital sa Marawi City.

Ayon kay PA 1ID commander Major General Gabriel Viray III, batay sa initial report, tatlong babae at isang lalaki ang nasawi dahil sa pagsabog.

Ayon kay Bangsamoro Police Regional Office regional director Police Brigadier General Allan Nobleza, tinitingnan nila ang posibilidad na may kaugnayan ang pagpatay sa Dawlah Islamiyah (DI).

“That is one of the angles that we are investigating right now kasi isa rin ‘yan sa pinakamalapit na pwedeng anggulo sa mga nangyaring ito [that is the nearest possible angle in what is happening], ‘yung nangyari sa Maguindanao del Sur wherein eleven members of the Dawlah Islamiyah Philippines were killed last December 1,” ani Nobleza.

“Ang Bangsamoro Region, nag-declare kami ng full alert status following the explosion incident that happened in MSU kasi tinitignan na puwedeng may kinalaman dito ito sa nangyari sa mga operasyon ng PNP at military,” dagdag pa niya.

Kinondena naman ni Lanao del Sur Governor Mamintal “Bombit” Alonto Adiong Jr. ang insidente at nangako ng agarang hustisya para sa mga biktima.

“I condemn the violent bombing incident that transpired this morning at the Dimaporo Gymnasium at the Mindanao State University during a Sunday mass congregation,” ayon sa pahayag ng gobernador.

“Here in my province, we uphold basic human rights, and that includes the right to religion. Terroristic attacks on educational institutions must also be condemned because these are places that promote the culture of peace and mold our youth to be the future shapers of this country,” dagdag pa ni Adiong. I urge the security sector to get to the bottom of this IMMEDIATELY!.”

“To the families of those whose lives were lost in this senseless act of violence and terrorism, please accept our deepest condolences and sympathies. We will make sure justice will be served,” ang kanyang pagtatapos.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo