11 pulis, sinibak hinggil sa kaso ng mga nawawalang ‘sabungero’

0
249

Ipinahayag ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pag-relieve sa kanilang 11 Regional Headquarters Support Unit officers kaugnay sa kaso ng apat na nawawalang sabungero.

Sa isang pahayag kanina, sinabi ni NCRPO chief Brig. Gen. Jonnel Estomo na ang mga sinibak na opisyal ay isinailalim sa restrictive custody dahil sa bigat ng kasalanang isinampa laban sa kanila ng National Bureau of Investigation-Task Force Against Illegal Drugs (NBI-TFAID) dahil sa pagkawala ng ilang cockfighting afficionado sa Cavite.

Iniutos na i-relieve sina dating Regional Drug Enforcement Unit chief Lt. Col. Ryan Orapa; Lt. Jesus Menez; Staff Sergeants Ronald Lanaria, Ronald Montibon, Troy Paragas, Roy Pioquinito, at Robert Raz Jr.; at Corporal Christal Rosita, Denar Roda, Alric Natividad, at Ruscel Solomon.

Kinasuhan sila ng kidnapping at serious illegal detention at ng paglabag sa Anti-Enforced o Involuntary Disappearance Act.

Nagsampa ng reklamo ang NBI-TFAID noong Oktubre 19 dahil sa pagkawala ng magkapatid na sina Gio at Mico Mateo, Garry Matreo Jr., at Ronaldo Anonuevo sa Dasmariñas City noong Abril 13, 2021 sa isang anti-drug police operation. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.