120 rebelde sa Quezon sumuko at nagsunog ng bandila ng NPA

0
158

TAGKAWAYAN, Quezon. Sumuko sa bayang ito ang humigit-kumulang na 120 dating rebeldeng New People’s Army na nagsunog ng bandila ng teroristang grupo at nanumpa sa pamahalaan bilang bahagi ng kanilang pagbabagong buhay kahapon.

Ayon kay Mayor Carlo Eleazar, matapos ang mahabang panahon ng epekto ng insurgency ng teroristang grupo ng Communist Party of the Philippines New People’s Army o CPP-NPA-NDF, natapos na ang kasaysayan ng armadong pakikibaka laban sa pamahalaan.

Dumalo ang mga mataas na lider ng Philippine Army, Philippine National Police, mga lokal na pinuno, at mga mamamayan sa ginanap na mass surrender and withdrawal of support sa CPP-NPA-NDF. Kasabay nito ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) at pagdedeklara ng Tagkawayan, Quezon bilang Stable Internal Peace and Security (SIPS) o Insurgency Free Municipality.

Iniharap naman ni Quezon Governor Helen Tan ang mga sumuko at nagbahagi siya ng food packs bilang tulong sa mga dating rebelde.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.