1,200 suspek haharap sa kasong kriminal sa flood scam

0
422

MAYNILA — Inihayag kahapon ni Independent Commission for Infrastructure (ICI) Commissioner Rogelio “Babes” Singson na tinatayang nasa 1,200 katao na ang maaaring maharap sa mga kasong kriminal kaugnay ng maanomalyang flood control projects sa bansa.

Ayon kay Singson, na dating kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH), nasa 15 indibidwal ang posibleng kasuhan sa bawat maanomalyang flood control project. Sa kasalukuyan, tinatayang may 80 proyekto na ang nadiskubreng maanomalya, kaya aabot na sa kabuuang 1,200 ang mga taong posibleng maharap sa kaso.

“Eighty, multiply it by 15, do your math. I’m sorry to the Ombudsman, malulunod ka ng papeles at referrals,” dagdag ni Singson.

Ayon pa rin sa kanya, nasa 64 personnel mula sa pulis at militar ang idineploy upang mangalap ng ebidensiya sa mga proyekto, na itinayo ng mga contractors na tinukoy ni Pangulong Marcos.

“We’re expecting additional documents coming from the joint AFP-PNP ground troops who are on the ground. Next week, dadagsa po ‘yan,” paliwanag ni Singson.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.