122 barkong Tsino nakakalat sa West Philippine Sea

0
159

MAYNILA. Inanunsyo ng Philippine Navy na nasa 122 Chinese vessels ang namataan sa West Philippine Sea (WPS) sa kabila ng ipinatupad na fishing ban ng China sa South China Sea.

Ayon kay Navy Spokesperson para sa WPS na si Commodore Roy Vincent Trinidad, kabilang sa mga nasabing barko mula Mayo 21 hanggang 27 ay limang Chinese Coast Guard vessels (CCGVs) at 14 Chinese Maritime Militia vessels (CMMVs) sa Bajo de Masinloc; limang CCGVs at 17 CMMVs sa Ayungin Shoal; isang CCGV, 34 CMMVs, at isang PLAN ship sa Pag-asa Island; tig-isang CMMV sa Kota at Lawak Island; tatlo sa Panata Island; dalawang CCGVs at dalawang CMMVs sa Patag Island; at dalawang CCGVs, apat na PLAN ships, at 30 CMMVs sa Sabina Shoal.

Nilinaw ni Trinidad na hindi kinikilala ng Philippine Navy ang ipinatutupad na fishing moratorium ng China sa South China Sea at West Philippine Sea. Sa katunayan, mas pinaigting pa nila ang pagpapatrulya sa WPS at Bajo de Masinloc kasunod ng pagpapatupad ng external defense at Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC).

Ang fishing ban ay bahagi ng pahayag ng China na aarestuhin at ikukulong ng 60 araw na walang paglilitis ang sinumang mangingisda na mahuhuli sa WPS.

Patuloy na tinututukan ng gobyerno ng Pilipinas ang sitwasyon upang maprotektahan ang mga karapatan at kapakanan ng mga Pilipinong mangingisda sa nasabing lugar.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.