Sta Rosa City. Nakumpiska kaninang umaga sa isang buy-bust operation na isinagawa sa lungsod na ito ang 122K na halaga ng hinihinalang shabu, ayon sa report ni Laguna Provincial Office Chief Rogarth Bulalacao Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz.
Kinilala ni Campo ang mga suspek na si Felix Marifi Caratihan, 47 anyos, kasama ang kanyang live-in partner at isang delivery boy.
Batay sa report, isinagawa ng mga miyembro ng Sta. Rosa Police Station ang operasyon kaninang umaga kung saan ay nasamsam ang P122,400 na halaga ng shabu at nadakip ang mga suspek na hinihinalang sangkot sa bentahan ng iligal na droga sa Brgy. Balibago sa nabanggit na lungsod.
Tumitimbang ng 18 gramo ang nakumpiskang hinihinalang shabu na tinatantyang nagkakahalaga ng P122,000. Nakuha din sa mga suspek ang mga drug paraphernalia at isang libong pisong marked money.
Pinaniniwalaang ang isinagawang matagumpay na operasyon ay makababawas sa supply ng iligal na droga sa Brgy. Balibago at iba pang kalapit na barangay nito.
Kasalukuyan ng isinasampa ang kasong paglabag sa paglabag sa Section 5 and 11 of RA 9165 laban sa mga suspek sa Sta. Rosa Prosecutor’s Office.
Kevin Pamatmat
Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.