134 na miyembro ng NPA, sumuko sa Quezon

0
303

General Luna, Quezon. Sumuko sa gobyerno ang 134 na miyembro ng New People’s Army kahapon, Abril 12,2023 at nanumpa ng pagbabalik-loob sa pamahalaan sa isang seremonya sa bayang ito.

Kabilang sa mga sumuko ang isang regular member ng Milisyang Bayan sa Timog Katagalugan Regional Party Committee.

Ang kanilang pagsuko ay naging bahagi ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict ( MTF- ELCAC)  ay sa ilalim ng programa ni Mayor Matt Erwin Florido na sinaksihan ng buong miyembro ng Sangguniang Bayan ng General Luna.

Sa tulong ng tanggapan ng Public Attorney’s Office, nailabas ang mga surrender papers ng mga dating rebelde sa pamumuno ni Atty. Aisha Kae Pornelda.

Ayon sa pahayag ng mga sumuko, naniniwala sila na maibibigay ng pamahalaan ni Pangulong Marcos ang matagal na nilang nais kagaya ng tunay programang pangkabuhayan na ipagkakaloob sa kanila ng pamahalaan upang wakasan ang kanilang pakikipaglaban sa gobyerno at makiisa na sa lipunan ng walang kaguluhan, pananakit at pagpatay. 

Ang nabanggit na pagbabalik loob sa pamahalaan ng mga dating rebelde ay kasabay ng deklarasyon ng gobyerno na ang bayan ng General Luna ay insurgency free na.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.