136 na miyembro at supporters ng CPP-NPA boluntaryong sumuko sa Mimaropa PNP

0
261

Calapan City, Oriental Mindoro. Boluntaryong sumuko ang 136 na miyembro at taga suporta ng Communist Party of Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) sa iba’t ibang yunit ng pulisya sa rehiyon sa unang 10 buwan ng taong ito, ayon sa ulat ni Police Regional Office (PRO)-4B Mimaropa chief Brig. Gen. Sidney Hernia.

“I laud the efforts of our men and our counterparts from the AFP (Armed Forces of the Philippines), the LGUs (local government units), and other government agencies in the government’s campaign against insurgency through the NTF-ELCAC,” ayon sa kanyang statement. statement.

Ang pinakahuling rebeldeng sumuko sa pulisya ng Mimaropa ay si “Ka Bobbie,” 36 anyos, miyembro ng Militiang Bayan sa ilalim ng Kilusang Larangang Gerilya ng Sub-Regional Military Area (SRMA-4E), isang yunit ng Southern Tagalog Regional Party Committee (STRPC).

Sinabi ni Hernia na boluntaryong sumuko si “Ka Bobbie” kay Capt. Marvin Estigoy, officer-in-charge ng 401st B Maneuver Company sa ilalim ng Regional Mobile Force Battalion 4B noong Oktubre 31 at ngayon ay tinutulungan ng Regional Mobile Force Battalion 4B para sa kanyang enrollment sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP). PNA

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.