136 na pulis sa Calabarzon, sinibak

0
325

Calamba City, Laguna. Sinibak sa serbisyo ang 135 na pulis sa Calabarzon kaugnay ng isinasagawang internal cleansing sa hanay ng kapulisan.

Ayon sa pahayag ni Police Major Mary Anne chester Torres, Public Information officer ng Police Regional Office 4A kahapon, ang isinagawang aksiyon ng liderato ng PNP ay alinsunod sa mandato na alisin ang mga ” police scalawags” sa hanay ng pambansang alagad ng batas.

Sa nabanggit na bilang na 136, 66 sa mga ito ang may kaso hinggil sa droga, 30 sa violation ng R.A.1965, 46 sa robbery, 63 sa sexual assault, rape, estafa, homicide at marital infidelity, ayon pa rin kay Torres.

Idinagdag pa ng opisyal na nagkaroon ng kabuuang bilang na 205 na pulis ang nakasuhan noong nagdaang taon at 135 nga sa mga ito ang tinanggal sa tungkulin, 63 ang may kinakaharap na kaso sa mga korte at 1 ang nakakulong.

Ang nabanggit na pagsasaayos sa kapulisan ayon pa kay Torres ay upang lalong mapalapit ang pangkalahatang katauhan ng isang alagad ng batas sa mga mamamayan.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.