14-anyos na anak, 2 taon na halos araw araw ay ginagahasa ng ama

0
209

Arestado ang isang ama na isinumbong na halos araw-araw ay nagpapahirap at umaabuso sa kanyang 14-anyos na anak sa loob ng dalawang taon.

Nabigyan ng hustisya ang inabusong anak matapos niyang ireklamo ang kanyang ama sa National Bureau of Investigation’s (NBI) Violence Against Women and Children Division. Tinukoy lang ang ama na si alyas “Jay.”

Ayon kay Yehlen Agus, hepe ng NBI-VAWCD, matapos ang medical examinations, lumabas na may mga sugat sa ari ng biktima na siyang ebidensya ng pag-abuso.

Sa salaysay ng biktima, nabunyag na una siyang ginahasa ng kanyang tiyuhin noong 2022. Ngunit, kahit na ito ay isinumbong niya sa kanyang ama, hindi raw siya tinulungan. Sa halip, ang ama mismo ang sumunod na umabuso sa kanya at tuwing umaalis ang kanyang ina ay ginagawa ito sa kanya.

Walang pangamba, inamin ni “Jay” ang kanyang mga kasalanan. “Natukso rin ako sa ginawa niya… Ginaya ko po,” aniya.

Kasalukuyang nakapiit si “Jay” at nahaharap sa kaso ng statutory rape na isinampa ng NBI sa Quezon City Prosecutor’s Office. Samantala, iniimbestigahan na rin ang kanyang bayaw dahil sa kaugnay na pang-aabuso.

Sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development, nasisiguro ang kapanatagan ng biktima habang sumasailalim sa kinakailangang counseling.

Ang insidenteng ito ay nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pagpapatupad ng batas at pagpapalakas ng proteksyon para sa mga kababaihan at kabataan laban sa anumang anyo ng karahasan at pang-aabuso.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.