14 dope peddlers arestado sa drug buy-bust ops

0
303

Sta. Cruz, Laguna. Inaresto sa Laguna ang 14 suspek na drug pusher sa ilalim ng mga serye ng drug buy-bust operations ng Laguna PNP kanina.

Kabilang sa mga inaresto sina Jaymark Monteverde, 19 anyos na construction worker at isang menor de edad na pawang residente ng Brgy Niugan, Cabuyao City, Laguna. Nakumpiska sa kanila ng mga tauhan ng Cabuyao sa pangunguna ni PLTCol Don T. Salisi ang isang supot na naglalaman ng hinihinalang marijuana.

Kasabay nito ay dinakip din ng Lumban Municipal Police Station sa pangangawiwa ni PCPt Ed Richard P. Pacana si Dominador Atienza, 46 anyos na construction worker at residente ng Brgy. Concepcion, Lumban, Laguna.  Nakuha naman sa kanya ang dalawang sachet ng hinihinilang shabu.

Samantala, San Pedro City ay hinuli naman ni PLTCol Socrates S. Jaca at kanyang mga tauhan sa San Pedro Police Station sa Brgy. Langgam and Brgy. San Antonio San Pedro City si Jeffward Suruiz Madrid, 24 anyos, walang trabaho at naninirahan sa Brgy. Laram San Pedro Laguna kasama si Leonito Regala Salapar, 35 anyos na truck driver at residente ng Tunasan, Muntinlupa. Nakumpiska sa kanila ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Sa ilalim naman ng pamumuno ni Santa Rosa City Police Station Chief  PLTCOL Paulito M. Sabulao, inaresto sina Arcieta Mane alias Toleng, 35 anyos na resident ng Brgy. Macabling, Sta Rosa City, Noel Opeña Hilaga alias Palaka, 47 anyos na residente ng Brgy. Macabling, Sta Rosa City, Aldrin Almodovar Basco alias Aldrin 22 anyos, isang production operator na residente ng Brgy Aplaya Sta Rosa City at Carl Angelo Alitagtag Amarante alias Caloy, 22 anyos na resident ng Brgy. Aplaya Sta Rosa City Laguna. Nahalughid sa kanila ang 18 sachet ng pinaniniwalaang shabu.

Ang mga suspek ay nasa pangangalaga ng mga mga nakakasakop na police station at nakatakdang ipadala sa Crime Laboratory ang mga ebidensyang nakuha sa kanila ayon sa ulat ni Laguna Police Acting Provincial Director, PCOLRogarth B. Campo kay Calabarzon Regional Director PBGEN Eliseo DC Cruz.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.