14 patay sa lake burst sa Taiwan dahil kay Super Typhoon Nando / Ragasa

0
337

HUALIEN, Taiwan — Umabot na sa 14 katao ang nasawi sa Taiwan matapos bumigay ang isang barrier lake sa Hualien County dahil sa malakas na pag-ulan dulot ng Super Typhoon Nando (international name: Ragasa).

Ayon sa Reuters, ang barrier lake ay likas na natabunan ng lupa o debris sa bundok at nabuo nang matabunan ang daloy ng tubig. Nang sumabog ito nitong Martes, napwersa ang tubig at putik na bumabaha ng malakas, na nagwasak ng tulay at rumagasa sa mga kalapit na bayan sa Kuangfu Township.

“It was like a volcano erupting…. the muddy floodwaters came roaring straight into the first floor of my house,” ani Hsu Cheng-hsiung, 55, lider ng barangay sa Kuangfu Township, na nakaranas ng paglusob ng baha sa kanilang tahanan.

Batay sa pahayag ni Lee Kuan-ting, opisyal ng Hualien County Government, may 14 nasawi at 18 ang nasugatan sa insidente. Samantala, iniulat ng National Fire Agency na may humigit-kumulang 124 katao pa ang nawawala matapos bumigay ang lawa.

Bago ang pagsabog, maraming tao ang nasa mga lokal na supermarket at grocery stores, na naging delikado nang pumutok ang lawa. Sa kabuuan ng isla, mahigit 7,600 katao ang inilikas dahil sa gigil ng bagyong Ragasa.

Ang barrier lake ay unang natuklasan noong Hulyo 2025 matapos mabuo dahil sa malalakas na landslide. Nang bumigay ito, tinatayang 75 porsyento ng tubig humigit-kumulang 60 milyong tonelada ang biglang bumuhos at nagdulot ng malawakang pinsala. Ayon sa mga eksperto, ang ganitong klase ng lawa ay lubhang delikado dahil maaaring bumigay anumang oras at magpakawala ng rumaragasang baha. Dahil sa kakulangan ng maagang babala at mabilis na paglikas, maraming residente ang naipit sa kanilang mga tahanan, dahilan upang tumaas ang bilang ng nasawi at nawawala.

Patuloy ang rescue operations sa Hualien habang binabantayan ng pamahalaan ang posibilidad ng iba pang paglusob ng baha.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.