15 lungsod at bayan sa Laguna umani ng 2022 Gawad Kalasag Seal

0
563

Sta. Cruz, Laguna. Umani ng 2022 Gawad Kalasag (Kalamidad at Sakuna Labanan Sariling Galing ang Kaligtasan) Seal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)ang labing limang local government unit (LGU) sa Laguna, ayon sa ulat ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Ang mga bayang pinarangalan bilang Beyond Compliant sa Laguna ay ang mga Lungsod ng Santa Rosa,  Biñan, San Pablo, San Pedro, at mga Bayan ng Kalayaan, Nagcarlan, at Alaminos.

Samantala ang Lungsod ng Calamba, mga Bayan ng Calauan, Santa Cruz, Los Baños, Mabitac, Luisiana, at Bay ay pinarangalan bilang Fully Compliant.

Ang “Beyond Compliant” ay ibinibigay sa mga LGU na nahigitan ang pagsunod sa mga pamantayan na may kinalaman sa pagtatatag at pagpapatakbo ng kanilang Local DRRM Councils and Offices (LDRRMCOs).  Ang “Fully Compliant” naman ay para sa mga LGU na pangkalahatang sumunod sa mga nabanggit na pamantayan.

Ang mga nabanggit na pamantayan ay itinakda sa ilalim ng Republic Act 10121, sec. 11 and 12, kung saan nakasaad ang pagbuo ng Provincial, City, and Municipal Disaster Risk Reduction and Management Councils; at pagtatatag ng Local Disaster Risk Reduction and Management Offices,  ayon sa pagkakasunod sunod.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.