15 NPA sa Laguna at Batangas, sumuko

0
578

CALAMBA CITY Laguna. Sumuko ang  labinlimang regular members ng New People’s Army sa headquarters ng Regional Mobile Force4A, Philippine National Police, Philippine Air Force at Philippine Army’s 2nd Infantry Brigade  sa Batangas at Laguna 

Ayon sa report na tinanggap ni Police BGeneral Carlito Gaces, direktor ng Police Regional Office Calabarzon, unang sumuko ang mag- asawang Apolinar at Levie Rosales kasama ang tatlong anak na pawang mga miyembro ng Sangay ng Partidong Lokal( SPL).

Kabilang din sa mga sumuko ayon kay General Gaces sina April Joy Razo alias “Amil”; Crisostomo Sierra alias”Cris”; Marilyn Sierra alias” Marilyn”; Jess Arroyo alias” Jess”; Benjamin Besas alias” Jamen”; Edrian alias ” Jumong”; Mateo Villanueva alias ” Ronel”; Isidro Hernandez alias “Dayo”; Leoncio Mangubat alias” Leo”; Eugenia Caraan alias”Hena”; Gilbert Caraan alias”Gilbert”; Loreto Cacao alias” Koring”; at Eleonor Medina alias”Nonie”.

Sinabi ni Gaces na sasailalim sa debriefing ang mga  nagbalik loob na mga rebelde at bibigyan ng full livelihood program upang makapagsimula ng maayos, tahimik at maunlad na buhay.

Pansamantala silang binigyan ng tirahan at pinansyal na tulong ng gobyerno.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.