16 lugar sa bansa posibleng makaranas ng “dangerous heat index

0
209

Mariing pinapayuhan ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA)ang publiko na mag-ingat at uminom ng maraming tubig dahil sa patuloy na pagtaas ng init ng panahon.

Ayon sa ulat ng PAGASA, may posibilidad na maranasan ngayong araw ang delikadong lebel ng heat index sa 16 na lugar sa bansa.

Sa pinakahuling monitoring ng PAGASA-DOST, inaasahan na mag-record ng 42°C na temperatura sa Metro Manila habang umaabot sa pinakamainit na 45°C ang heat index sa Roxas City, Capiz; 44°C sa Puerto Princesa at Aborlan, Palawan, pati na rin sa Guiuan, Eastern Samar.

Nasa 43°C naman ang posibleng maranasan sa Dagupan City, Pangasinan at Catarman, Northern Samar; 42°C sa Metro Manila at Bacnotan, La Union; Aparri at Tuguegarao sa Cagayan; Sangley Point, Cavite; Ambulong, Tanauan, Batangas; San Jose, Occidental Mindoro; Pili, Camarines Sur; Iloilo City at Dumangas, Iloilo.

Ang “dangerous heat index” ay nasa pagitan ng 42°C hanggang 51°C at maaaring magdulot ng matinding pagkapagod, heat cramps, at heat stroke sa mga tao.

Hinikayat ng PAGASA ang publiko na manatili sa malilim na lugar, magsuot ng komportableng damit, at lakasan ang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang masasamang epekto ng matinding init ng panahon.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo