Monday, December 23, 2024

Your Daily News Update About CALABARZON and Beyond.
ISSN 2799-1911

HomePH News16 na bahay nasunog sa Lumban

16 na bahay nasunog sa Lumban

-

Lumban, Laguna. Tinatayang limang milyong piso ang halagang nawasak ng apoy matapos masunog ang 16 na bahay sa Brgy. Primera Pulo, sa bayang ito kamakalawa ng tanghali.

Ayon sa pahayag ni Lumban Mayor Rolando Ubatay, nagsimula ang sunog sa Rizal Street ng nabanggit na barangay matapos ang malakas na ulan.

Mabilis na kumalat ang sunog sa mga bahay na yari sa mga light materials at nahirapan ang mga fire truck na pumasok dahil sa masikip na daan.

Matapos ang halos isang oras, naapula na ang apoy dahil sa mabilis na pagresponde ng 13 fire truck mula sa iba’t-ibang bayan sa Laguna, kasama na ang mga pribadong pamatay-sunog ng mga volunteer group sa lalawigan.

Batay sa tala ng Lumban Municipal Disaster Risk Reduction and Management office, aabot sa 20 pamilya ang naapektuhan ng sunog at pansamantalang nakikisilong ngayon sa evacuation center ng Lumban.

Walang naitalang nasugatan o nasawi sa nasabing sunog, bagaman at tinitingnan pa ng Bureau of Fire Protection ang sanhi ng apoy.

Samantala, naglunsad ng “Call for Donation” ang ilang pribadong grupo at indibidwal para sa mga nagnanais mag-donate ng mga personal na gamit tulad ng damit, sabon, toothpaste, bottled mineral water, kumot, tsinelas, kumot, lumang kama, gamot, at pagkain.

Mabilis naman ang pagtugon ng tanggapan ni Mayor Rolando Ubatay, Congressman Jam Agarao, Board member Benjo Agarao, at Bokal Milo San Luis sa mga pangangailangan ng mga nasalanta.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.

Related articles

Stay Connected

0FansLike
0FollowersFollow
3,912FollowersFollow
0SubscribersSubscribe
spot_img

Latest posts