Calapan, Oriental Mindoro. May kabuuang 164 na miyembro ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang sumuko sa iba’t ibang yunit ng pulisya sa Mimaropa mula Enero hanggang Disyembre 1 ngayong taon, ayon sa regional police noong Biyernes.
“We are committed to sustaining the success of this campaign towards a communist terrorist group-free Mimaropa,” Police Regional Office (PRO) 4-B (Mimaropa) ayon sa salaysay ni chief, Brig. Gen. Sidney Hernia.
Ang pinakahuling sumuko ay dalawang miyembro ng NPA sa Oriental Mindoro noong Huwebes.
Si “Ka Gringo”, 27 anyos, at “Ka Jimbo,” 33 anyos, pawang miyembro ng Platoon SERNA ng Kilusang Larangang Gerilya – Mark Anthony Velasco sa ilalim ng Lucio de Guzman Command ng Sub-Regional Military Area 4D, Southern Tagalog Regional Party Committee ay boluntaryong sumuko matapos ang sunod-sunod na pakikipag usap sa 403rd B Maneuver Company (MC), Regional Mobile Force Battalion (RMFB) 4-B, sa pamumuno ni Lt. Sherwin Ramirez, sa Brgy. Cabalwa, sa bayan ng Mansalay.
Ang matagumpay na pagsuko ng mga dating rebelde ay naging posible sa tulong ng Bulalacao Municipal Police, 2nd Provincial Mobile Force Company, at Provincial Intelligence Unit, na pawang nasa ilalim ng Oriental Mindoro provincial police; Regional Intelligence Division; 10th Special Action Battalion, Philippine National Police (PNP) Special Action Force; 4th Infantry Battalion at 23rd Military Intelligence Company, 203rd Infantry Battalion, Philippine Army; at Regional Intelligence Unit Mimaropa, PNP Intelligence Group.
Sinabi ni Hernia na ang mga sumuko ay nasa kustodiya na ngayon ng 403rd B MC at nakatakdang sumailalim sa debriefing, at tulong para sa kanilang pagpapatala sa Enhanced Comprehensive and Local Integration Program (E-CLIP) ng pamahalaan.
“All those who surrendered can avail of the E-CLIP for their reintegration to the community and will be receiving livelihood program and cash aid from the government,” ayon kay Hernia.
Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.