168K doses ng J&J jabs na US donations dumating sa PH

0
428

Tumanggap ang Pilipinas ng isa pang shipment ng United States-donated Covid-19 vaccines na 168,000 doses ng Johnson & Johnson (J&J) jabs noong Martes.

Sa pangkalahatan, 12,905,660 doses na ang single-dose jab na Janssen Pharmaceuticals ang naibibigay sa bansa – 3,420,860 galing sa gobyerno ng US sa pamamagitan ng COVAX Facility at 9,484,800 mula sa COVAX mismo.

Sinabi ni Dr. Paz Corrales, National Task Force Against Covid-19 medical consultant, na ang pinakabagong donasyon ay isa pang tulong upang makatulong na wakasan ang pandemya.

“We thank the US government for donating the J&J vaccines through the COVAX Facility. It’s a big help especially now that we have increasing cases of Covid 19 case maybe because of the Omicron variant,” ayon sa kanya sa isang panayam noong dumating ang mga bakuna sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 in Pasay City via Emirates Flight EK 332.

Sinabi ni Corrales na dahil sa patuloy na pagdating ng mga bakuna ay walang dahilan upang hindi makakuha ng proteksyon laban sa malalang impeksyon at maging sa kamatayan.

“Everyone should go to vaccination sites,” dagdag niya.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.