17 Pinoy, kabilang sa bihag ng Houthi rebels sa Yemen

0
241

Kinumpirma ng Department of Foreign Affaiars na pangangalaga ngayon ng mga teroristang Houthi ng Yemen ang 17 Filipino seafarers na kabilang sa mga bihag mula sa cargo ship na hinarang sa southern Red Sea.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) undersecretary Eduardo de Vega, kasama sa mga hinostage ang 17 Filipino at ilang Bulgarian, Romanian, Ukrainian at Mexican.

Batay sa mga ulat mula sa Associated Press sinabi ng mga rebeldeng Houthi ng Yemen na hinarang nila ang barko dahil konektado ito sa Israel “all ships belonging to the Israeli enemy or that deal with it will become legitimate targets.”

Ipinaliwanag ni De Vega na bagaman hindi ito ang unang pagkakataon na may mga Pinoy na naging bihag sa ibang bansa, ngayon ay lalo silang nababahala, at ito ay prayoridad ng gobyerno dahil may kaugnayan ito sa patuloy na labanang nagaganap sa pagitan ng Israel at Hamas.

Inaasahan din na magkakaroon ng pulong sa Malakanyang ang DFA upang talakayin ang kasalukuyang sitwasyon. Ayon sa ulat, inatasan na rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang DFA na gawin ang lahat upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pinoy na bihag sa Red Sea.

“Alinsunod sa mga instruction ng Pangulo lahat ay ginagawa ng pamahalaan upang tiyakin na makakaligtas sila at hindi pababayaan ang kanilang kapakanan,” ang pagtiyak ni de Vega sa mga kamag anak ng mga bihag na Filipino.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo