Kalayaan, Laguna. Dead on arrival sa General Cailles Hospital sa Pakil, Laguna ang isang 18-anyos na estudyante na residente ng bayan ng Kalayaan, Laguna matapos umano itong sumailalim sa hazing o initiation rites ng Tau Gamma Phi Fraternity nitong Linggo.
Ayon sa report ng Kalayaan Municipal Police Station, nakarating sa kanilang tanggapan ang impormasyon nitong Linggo na isang binata raw ang nasawi matapos malunod sa isang ilog. Nang kanilang puntahan ay doon na napag-alaman na bahagi daw pala ito ng diumano ay hazing.
Ang lola raw ng biktima ang nagsabi sa mga pulis na isinugod na ito sa pagamutan.
Kinilala ang biktma na si Reymarc Rabutazo ng Barangay Longos, Kalayaan, Laguna.
Nakita ang mga pasa sa mga hita ng biktima.
Hiniling na ang Kalayaan Municipal Police Station na ma-autopsy ang bangkay ng biktima.
Sa mga oras na ito ay nakikipagtulungan naman daw sa kanila ang ilang miyembro at opisyal ng Tau Gamma Phi sa Kalayaan, Laguna.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.