18 tauhan ng Laguna PPO, ginawaran ng Medalya ng Papuri

0
623

Sta. Cruz, Laguna.  Ginawaran ng Medalya ng Papuri ang 18 tauhan ng Laguna Police Provincial Office (PPO) kaninang umaga, kasabay ng flag raising ceremony ng nabanggit na police office dito.

Labing isa sa sinabitan ng medalya ay miyembro ng Liliw Municipal Police Station na nasa pamumuno ni PCPT John Patrick Verdeflor de los Santos. Ang mga Medlay ng Papuri ay iginawad dahil sa matagumpay na pagsasagawa ng police operation na nag resulta sa pagdakip sa ika anim na most wanted person sa Calabarzon na si Teodoro Espinase y Saldivar sa Brgy. Silangang Bukal sa Liliw, Laguna. 

Pitong miyembro naman ng awardees ay kasapi sa Pangil Municipal Police Station na nasa pamumuno ni Police Lieutenant Berlin Ignacio Allan. Pinapurihan sila dahil sa matagumpay na joint police operations na dumakip sa number 7 na most wanted person sa Calabarzon na si  Vince Daygon De Leon na may kasong murder.

Pinangunahan ni Deputy Provincial Director for Administration (DPDA) Police Colonel Rafael P. Torres ang ginanap na parangal.  Humarap din dito si Deputy Provincial Director for Operations PLTCOL Robert Bautista Sales.

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.