1M doses ng AstraZeneca vaccine, dumating mula sa Japan

0
269

Pilipinas, wala ng kakulangan sa bakuna

Maynila. Dumating ang 1,065,600 doses ng AstraZeneca vaccines na donasyon ng Japanese government sa Pilipinas kahapon.

Umabot na sa mahigit na 3M doses ang naipapadala ng Japan sa Pilipinas matapos maibaba kahapon ang huling donasyon na mahigit na isang milyong doses sa Ninoy Aquino International Airport. 

“This is an example of how the Philippines – Japanese alliance further strengthens every time we try to help each other especially in times of need,” ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Ayon naman kay NTF special adviser Dr. Teodoro Herbosa, dahil dito ay maaabot ng bansa ang daily jab rate na isang milyon hanggang isang milyon at kalahati. “Those of you who are still hesitant, magpa rehistro na po kayo sa LGUs ninyo at wala na tayong issue na kulang sa bakuna. Marami na pong bakuna,” ayon sa special adviser.

Kaugnay nito, binabalak buksan bilang mga vaccination sites ang mga State Universities at Colleges matapos ilista ng CHED kung alin alin at saan sa mga ito ang mga posibleng gamitin, ayon pa kay Herbosa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.