2.4K doses ng reformulated Pfizer vax dumating sa PH

0
313

Dumating sa bansa kagabi ang karagdagang 2,400 na dosis ng Pfizer vaccine na nakuha sa pamamagitan ng World Bank, para sa mga batang edad na 5 hanggang 11.

Inihatid ang kargamento sa pamamagitan ng Air Hong Kong flight LD456 bandang 8:37 p.m. kagabi sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.

Batay sa dashboard ng pagbabakuna sa Covid-19 ng Department of Health (DOH), nakapagbigay na ang bansa ng 152,012,792 doses. Sa bilang na ito, 128,285 ang naibigay noong Hunyo 1.

Lumabas sa datos ng DOH na 70,917,708 ng populasyon ang nakakumpleto ng pagbabakuna, habang 66,897,882 ang nakatanggap ng unang dosis.

Hindi bababa sa 14,197,202 booster doses ang naibigay noong Hunyo 1.

Ang bansa ay bumili at tumatanggap ng mga bakuna na ginawa ng iba’t ibang manufacturer. Kasama sa mga ibinibigay na bakuna ang Pfizer, Moderna, Johnson&Johnson, Sinovac, AstraZeneca, Sputnik V, Sputnik Light, at Sinopharm.

Nauna rito, sinabi ni National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer Vivencio Dizon na ang Prevent, Detect, Isolation, Treat, Reintegrate and Vaccinate na diskarte ay nakatulong sa pamahalaan na mapigilan at mabawasan ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng pagpapaliit ng health risks nito.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.