2 akusadong murderers, arestado sa Laguna

0
381

Calauan, Laguna. Inaresto ng mga tauhan ng Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na manhunt operations sa direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Philip Toquero Aguilar, Chief of Police, sina Aron Joseph Sarmiento, 34 anyos, truck driver at Kim Carlo Reyes, 28 anyos, waiter, kapwa nakatira sa Purok 5 Brgy. Sta Maria, Sto Tomas City, Batangas sa bisa ng Order of Arrest na inisyu ni Hon Rene D Natividad, Presiding Judge ng Regional Trial Court, Branch 107, Calamba City, Laguna for the offense of Murder (RPC Art. 248) na walang inirekomendang piyansa .

Ang arestadong akusado na si Sarmiento ay rank 2 sa municipal level ng Calauan at provincial level ng Batangas Police Provincial Office.

Batay sa mga ulat, ang dinakip na sina Sarmiento at Reyes ay sangkot sa insidente ng pamamaril noong Disyembre 28, 2020 sa kahabaan ng National Road Brgy Lamot 2, Calauan, Laguna kung saan ang mga biktima ay sina Rolando Dela Cruz at Marry Ann Malinao, kapwa residente ng Brgy. San Francisco, Victoria, Laguna.

Nasa custodial facility ng Calauan MPS ang mga akusadong murderers abang inaabishan korte hinggil sa pagkakadakip sa kanila.

“Laguna PNP continue to conduct manhunt operations to hold  accountable those wanted persons who violated our laws. They can run but they can never hide,” ayon kay Police Colonel Ison.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.