2-anyos na nene naatrasan ng jeep ng ama, patay

0
233

Mauban, Quezon. Patay ang isang 2-taong gulang na bata matapos na aksidenteng naatrasan ng kinukumpuni na passenger jeepney ng kanyang ama sa Brgy. Liwayway sa bayang ito, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jhodie Benitez habang iniimbestigahan sa himpilan ng pulisya ang tatay nito na si Jonathan, 50-anyos.

Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-4:00 ng hapon, nagma maniobra ng jeep si Jonathan nang biglang tumakbo ang batang anak patungo sa sasakyan at aksidenteng naatrasan.

Nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo ang batang babae na agad niyang ikinamatay.

Sa kabila ng insidente, hindi naman maghaharap ng asunto ang nanay ng bata laban sa kanyang mister na nakapatay sa kanilang anak.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.