2 bangkay ng lalaking nakabalot sa trash bags, nakita sa Cavite

0
644

Imus City, Cavite. Natagpuan sa lungsod na ito ang bangkay ng dalawang lalaki na nakabalot sa trash bags.

Ayon sa report, nadiskubre ng mga construction worker ng Ayala Corporation sa Daanghari Road, Pasong Buaya 1 sa Imus ang mga bangkay na binalot ng trash bags, duct tape at masking tape.

Pinatay ang dalawang biktima sa ibang lugar at itinapon sa Imus City upang iligaw ang pagsisiyasat, ayon kay Lt. Col. Pablito Naganag, Deputy Police Provincial Director for Administration ng Cavite. 

Sinabi ni Naganag na nangangalap pa sila ng karagdagang ebidensya at testimonya ng posibleng testigo habang tinitingnan kung may CCTV na nakakabit malapit sa crime scene.

Wala pang natutukoy na suspek ang pulisya sa kaso ng salvage sa dalawang biktima at inaalam pa rin ang motibo sa krimen.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.