2 barangay tanod patay, 6 sugatan sa jeep accident sa Batangas City

0
916

BATANGAS CITY. Dalawang barangay tanod ang nasawi at anim na iba pa ang sugatan matapos masagasaan ng isang jeep sa Barangay Tulo, Batangas City nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Jocelyn Claro Macatangay, 49, at Arnold Ebora Calaluan, 49, parehong tanod ng Barangay Tulo. Sugatan naman ang kanilang mga kasamahang sina Raul de Castro Soriano, 55; John Rommel A. Dinglasan, 32; Alex Sara Perez, 32; Nelson P. Casao, 49; Nick Ilagan Banaag, 42, at Danilo C. de Castro, 63.

Ayon sa imbestigasyon, naka-duty ang mga biktima para sa paggunita ng Undas nang mangyari ang aksidente. Bigla umanong nawalan ng kontrol ang jeep na minamaneho ni Gado Perez mula Lobo, Batangas. Agad dinala sa ospital ang mga biktima ngunit hindi na umabot nang buhay sina Macatangay at Calaluan.

Ayon sa mga awtoridad, may lumalabas na impormasyon na maaaring nakainom si Perez nang maganap ang insidente. Kasalukuyang nahaharap siya sa kasong reckless imprudence resulting in homicide at physical injuries dahil sa insidente.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.