2 bigtime drug pushers arestado sa Batangas; PhP3.4M na shabu nakumpiska

0
187

Batangas City, Batangas. Nahuli ng mga operatiba ng Camp BGen Vicente P. Lim at ng  Regional Drug Enforcement Unit 4A, Regional Intelligence Division/Regional Special Operations Unit, Batangas City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency Batangas ang dalawang drug pusher kabilang ang isang “high value individual” at nakumpiska ang halagang PhP 3.4M ng iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation kanina sa Brgy. Alangilan,lungsod na ito.

Kinilalang ang mga suspek na si alyas ‘Noel’ at ang kanyang katropa na si ‘Ainsley.’ Nakuha ng pinagsanib na mga operatiba ang mga bag ng naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit-kumulang 500 gramo na may halagang PhpP 3,450,000.00.

Samantala, pinuri ni PRO CALABARZON Acting Regional Director, Police Brigadier General Jose Melencio C. Nartatez, Jr ang mga operatiba ng PRO CALABARZON sa mahusay na operasyon na nagresulta sa pagkakahuli sa mga bigtime drug pushers na kumikilos sa Batangas area. Inatasan din niya ang mga anti-illegal drug operatives na paigtingin ang intelligence gathering sa PDEA 4A upang putulin ang supply ng iligal na droga na kumakalat sa katimugang bahagi ng rehiyon.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.