Pila, Laguna. Nalunod at namatay ang dalawang dalagita sa isang kilalang tourist sa spot sa Putok 14, Brgy. Pinagbayanan sa bayang ito kamakalawa.
Kinilala ng mga opisyal ng barangay na nakakasakop ang mga nasawi na sina Rianleen Meneses, 14 anyos, at Jilian Allyssa Castillo, 13 anyos, pawang mga residente ng Brgy. Linga, Pila, Laguna
Ayon sa pahayag ni Barangay kagawad Pancho Torres ng Pinagbayanan, kasama ng dalawang biktima ang iba nilang kaibigan na namasyal sa Bulusukan River, isang eco.park na dinarayo ng mga lokal at dayuhang turista.
Ayon sa sa pahayag ng ilang nakasaksi sa pangyayari, masaya pa ang mga kabataan sa kanilang swimming at nagse- selfie pa ang mga ito.
MAkaraan ang ilang minuto, diumano ay ng ilang kasama nina Meneses at Castillo na nawawala ang mga ito kaya agad silang humingi ng tulong sa barangay.
Ipinag utos ng mga opisyal a barangay na sisirin ang malalim na parte ng ilog. Makalipas ang kalahating oras na paghahanap, natagpuan ng mga divers ang mga katawan ng dalawang dalagita na wala ng buhay.
Kaugnay nito, sinabi ni Pila municipal councilor Apollo del Rio na residente ng nasabing ilog ay bukas para sa lahat ng gustong maligo ng libre. Magsasagawa naman ng precautionary measures ang mga opisyal ng barangay upang hindi na maulit ang naganap na trahedya ayon sa kanya.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.