2 high value targets arestado sa Quezon; Php 1.5M na shabu nakumpiska

0
319

Lucena City, Quezon.  Arestado ang isang babae at isang lalaking itinuturing na high value targets sa lungsod na ito at nakumpiska sa kanila ang tinatayang Php1,564.476.00 na halaga ng hinihinalang shabu.

Nahulog sa mga kamay ng  batas kahapon sa Purok Maligaya, Barangay 5, Lucena City si Suzette Sumayang Parto, 29 anyos at Alvin Pera Abellera, 28 anyos, pawang residente ng nabanggit na lungsod sa ilalim ng buy-bust operations ng Intel/Drug Enforcement Unit ng Lucena City Police Station sa pangunguna ni team leader PLT Jeromer R. Ubaldo ll at sa direktang pangangasiwa ni PLTCOL Reynaldo P. Reyes.

Nakuha sa dalawang nabanggit na suspek ang 76.69 gramo ng hinihinalang shabu at isang baril na isang unit cal. 9mm Glock 17 gen.4 at mga bala.

Kasalukuyang nasa custodial facility ng Lucena City Police Station ang mga inaresto at nakatakdang humatrap sa kasong paglabag sa Sec 5 & 11, Art II ng RA 9165 (Possession & Selling of Dangerous Drugs) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) kaugnay ng COMELEC Resolution Nr. 10728 (Omnibus Election Code).

Naniniwala ang mga awtoridad na ang pagdakip sa mga suspek ay lilikha ng isa pang malawakang pagbagsak ng supply ng iligal na droga sa nabanggit na lungsod. 

Author profile
Kevin-Pamatmat
Kevin Pamatmat

Si Kevin Pamatmat ay miyembro ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng pamamahayag bilang  photojournalist at news correspondent noong 2004. Broadcaster din siya sa DZJV 1458 Radyo Calabarzon at Balita Ngayon Online News.