2 illegal logger, arestado sa Bay, Laguna

0
350

Bay, Laguna. Dinakip ang dalawang suspek na illegal loggers matapos kumpiskahin sa kanila ang mga hot logs na pinutol sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga inaresto na sina Pablo Lasic, 64 taong gulang, karpintero at Erick Moceros, 27 taong gulang, chainwsaw operator na pawang residente ng Purok 2, Sitio Marian Village Brgy., Puypuy,Bay,Laguna.

Batay sa report, nakatanggap ng sumbong ang Bay Municipal Police Station hinggil sa iligal na pagpuputol ng mga punong kahoy sa Sitio Lalao, Brgy. Tranca sa nabanggit na bayan na agad inaksyunan ng mga pulis sa pangunguna ni PMAJ Jameson E. Aguilar at PLT Joseph O. Natividad.

Kinumpiska ng mga awtoridad ang mga tinistis na kahoy at ginamit na chainsaw matapos hindi makapagpakita ang mga suspek ng kaukulang permit sa pagputol ng puno. Napag alaman din na hindi nakarehistro ang ginamit na chainsaw.

Ang dalawang dinakip ay nakatakdang humarap sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 705 (Forestry Reform Code of the Philippines) at Republic Act of 9175 (The Chainsaw Act 2002).

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.