2 junkie, huli sa aktong nagpa-pot session sa isang barong-barong

0
747

Sta. Cruz, Laguna. Huli sa aktong nagpa-pot session sa isang barong barong kahapon ang dalawang suspek sa ilalim ng anti-drug operations ng Biñan City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Jerry B Corpuz.

Kinilala ni Laguna Police Provincial Director Police Colonel Rogarth Bulalacao Campo ang mga suspek na sina Denmark Gutib alyas “Den-den”, 41 anyos na driver at residente ng Brgy. Canlalay, Biñan City, Laguna at Dives Anabe Jr alyas “Dave”, 47 anyos na helper at residente ng Southville, San Pedro City, Laguna. 

Ayon sa mga ulat, isang concerned tipster ang nag-report sa Biñan City Police Station (CPS) na may isinasagawang pot session sa isang barong barong na agad naman ni-raid ng mga pulis.

Sa bukod na operasyon, nadakip din ng Calamba City Police Station (CPS) sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Arnel L. Pagulayan, Chief of Police, si Jon Jon Garay alyas “Balot”, 32 anyos na residente ng Brgy. Parian, Calamba City, Laguna at Purok 7, Brgy. Parian, Calamba City, Laguna sa aktong nagbebenta ng iligal na droga sa isang pulis na nagsilbing poseur buyer kapalit ng 500 pesos. Nakuha din sa kanya ang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P6,800.00

Ang mga inarestong suspek ay nasa pangangalaga ng pulisya ng kani-kanilang operating units at nakatakda silang sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, at ang mga nakuhang ebidensya ay isusumite sa Crime Laboratory Office para sa forensic examination, ayon sa report ni Campo kay CALABARZON Regional Director, Police Brigadier General Antonio C. Yarra.

 “I commend the efforts of our policemen in Calamba CPS and Biñan CPS in these operations. We will continue our intensified anti-illegal drug operations to eradicate drug proliferation in the province,” ayon kay Campo.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.