Tagaytay City, Cavite. Huli ang dalawang lalaking suspek na magnanakaw ng kable ng kuryente at telepono sa Tagaytay-Nasugbu Road matapos silang isumbong ng mga residente sa nabanggit na lungsod.
Kinilala ng Tagaytay PNP ang mga suspek na sina Christian Malinao 32 anyos, may asawa at Richard Cortez, 26 anyos, binata at pawang residente ng Sitio 2, Panapaan, Cavite.
Nabawi sa kanila ang 49 metro ng FSF aerial wire na nagkakahalaga ng Php 110,455 at 35 metro ng PLDT FSF wire na may presyong Php 31,750.
Ayon sa report ng mga pulis, madalas mawalan ng system service ang mga telephone at internet subscriber sa ilang bayan sa Cavite dahil sa madalas na nakawan ng mga kable dito.
Nadakip ang dalawang suspek matapos ireport sa barangay at mga pulis ng ilang residente na nakasaksi na ikinakarga ni Malinao at Cortez ang mga hinihinalang ninakaw na kable sa isang tricycle.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.