2 mangingisda sa Quezon nasagip matapos magpalutang-lutang sa karagatan ng Romblon

0
159

SAN FRANCISCO, Quezon. Nasagip ang dalawang mangingisda mula sa bayang ito matapos tatlong araw na magpalutang-lutang sa karagatan ng Romblon.

Noong Lunes, Oktubre 16, 2023, naglayag sina Ronnie Latiado, 24 anyos, at Edlyn Esquilona, 26 anyos, kapwa mga residente ng Barangay Pagsanghan, San Francisco, Quezon. Subalit, nagkaroon ng aberya ang makina ng kanilang bangka noong Martes, na naging ng pagtambay nila sa karagatan.

Sa kabila ng kanilang pagsusumikap na ayusin ang makina, hindi nila ito nakumpuni. Dahil dito, napilitan silang magpalutang-lutang sa malawak na karagatan at umasa sa tulong ng dadaang sasakyang pandagat. Gayunpaman, sa loob ng tatlong araw, walang ibang barko o bangka ang nakakita sa kanila.

Sa wakas, noong Biyernes, nailigtas sila ng mga awtoridad sa dagat ng Brgy. Alegria, Corcuera, Romblon. Dinala sila sa Malipayon District Hospital at nakumpirma nasa maayos silang kalagayan. Binigyan sila ng pansamantalang tirahan at mga pangunahing pangangailangan.

Sa kasalukuyan, ang mga tauhan ng Coast Guard Command Outpost Corcuera ay nakipag ugnayan na sa MDRRMO San Francisco, Quezon upang asikasuhin ang kanilang pag-uwi.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.