2 MWP sa Mimaropa nahuli sa Bataan, Oriental Mindoro

0
251

San Jose, Occidental Mindoro. Dalawang most wanted persons (MWP) ng Police Regional Office (PRO) 4B (Mimaropa) ang arestado sa magkahiwalay na operasyon sa mga lalawigan ng Bataan at Oriental Mindoro.

Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ni PRO Mimaropa chief Brig. Gen. Sidney Hernia na si Roy Sidoro alyas “Putot”, 37, ay naaresto sa isang operasyon sa Brgy. Tucop, bayan ng Dinalupihan, Bataan noong Miyerkules.

Si Sidoro, tubong Sablayan, Occidental Mindoro, ay nakalista bilang ika-6 na most wanted person ng PRO 4B at most wanted ng Occidental Mindoro. Mayroon siyang standing arrest warrant para sa murder at frustrated homicide na inisyu ng San Jose, Occidental Mindoro Regional Trial Court (RTC) Branch 45.

Arestado din noong Miyerkules sa isang operasyon sa bayan ng Naujan, Oriental Mindoro ang 45-anyos na suspek na si Adarlo Cantos.

Si Cantos, na nakalista bilang pangalawang most wanted sa Naujan, ay pinaghahanap dahil sa panggagahasa at nasasakdal sa Naujan, Oriental Mindoro Family Court Branch 12.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang mga naarestong suspek upang i-turnover sa issuing court sa lalong madaling panahon.

Ayon datos mula sa Regional Investigation and Detection Management Division na ang PRO Mimaropa ay nakapagtala na ng 383 na pagdakip sa MWP mula Enero nitong taon, isang 34.86 porsyento pagtaas mula sa 284 na MWP na naaresto sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.