2 naaagnas na bangkay, natagpuan sa Quezon

0
302

INFANTA, Quezon. Natagpuan ang mga naaagnas na bangkay ng dalawang indibidwal sa isang talampas sa Sitio Tigkay, Barangay Magsaysay, Infanta, Quezon noong Lunes ng umaga.

Ayon sa ulat ni Major Florendo Credo, hepe ng Infanta Municipal Police Station, nadiskubre ang dalawang bangkay ng mga residente na dumadaan sa lugar dahil sa masangsang na amoy na nagmumula sa nasabing mataas na pook.

“We suspected that the two cadavers could be a woman and a man because of the structure of their bodies, however, we are still awaiting the results of the examination by forensic unit,” ayon kay Credo.

Hinihinala ng mga awtoridad ang posibilidad na ang dalawang biktima ay maaaring pinatay sa kalapit na bayan at itinapon lamang sa Infanta upang iligaw ang mga imbestigasyon ng pulisya.

Bagaman at madilim ang lugar, patuloy ang pagsisikap ng pulisya na hanapin ang mga potensyal na testigo mula sa Sitio Tigkay at tingnan ang mga video footage mula sa mga CCTV camera na naka-install malapit sa nasabing lokasyon.

“We are now coordinating to another stations and barangay officials to inform about the discovery of two decomposing bodies,” dagdag pa ng opisyal.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.