2 nawawalang mangingisda sa West Philippine Sea, nasagip ng PCG

0
243

PUERTO PRINCESA, Palawan. Ligtas na ang dalawang mangingisda na unang iniulat na nawawala sa karagatan ng Bulig Shoal sa West Philippine Sea.

Sa pagsisikap ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG), ang dalawang mangingisda ay nailigtas sa ilalim ng isinagawang search and rescue operations, ayon sa ulat ng mga awtoridad.

Ang mga mangingisda ay nawala matapos maubusan ng gasolina ang kanilang sasakyang motorbanca. Dahil sa malakas na hangin at malalaking alon napalayo ang kanilang bangka palayo mula sa kanilang mother boat, ang FB Lantis Andrei, at sila’y mawala ng halos dalawang araw.

Sa pangunguna ng Naval Forces West, agad na nagsagawa ng koordinasyon at humingi ng tulong para sa search and rescue augmentation sa Coast Guard District Palawan. Sumunod dito, dinala ng PCG ang BRP Sindangan sa nasabing lugar, kung saan matagumpay na natagpuan ang dalawang nawawalang mangingisda. Binigyan din sila ng medical assistance at pagkain ng PCG.

Idiniklara ng mga doktor ng PCG na nasa mabuti silang kalagayan sila matapos ang mahirap na karanasan sa karagatan ng West Philippine Sea.

Author profile

Carlo Juancho FuntanillaFrontend Developer, WordPress, Shopify
Contributing Editor
AMA ACLC San Pablo