2 NPA ang napatay, 4 na baril ang nasamsam sa Occidental Mindoro

0
361

San Jose, Occidental Mindoro. Napatay ang dalawang hinihinalang miyembro ng News People’s Army (NPA) at nakuha ang apat na high powered firearm sa magkakasunod na sagupaan sa Occidental Mindoro, ayon sa ulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon.

Ang limang minutong bakbakan ay nagresulta sa pagkamatay ng isang babaeng mandirigma, pag kumpiska ng isang M16 rifle, at pagkasugat ng isang sundalo.

Ang sumunod na operasyon ay pinangunahan ng magkasanib na elemento ng 4th Infantry Battalion, 76th Infantry Battalion, at 68th Infantry Battalion laban sa mahigit kumulang limang NPA na umaatras sa nakaraang engkwentro.

Ang 20 minutong bakbakan ay nagresulta sa pagkamatay ng isang lalaki at pagkuha ng isang M16 Bushmaster rifle, mga magazine para sa M-16 rifle, improvised hand grenade, at iba’t ibang mga bala.

Kasunod nito ay isa pang engkwentro na naganap sa pagitan ng mga sundalo ng 76th Infantry Battalion at apat na tumakas na rebeldeng NPA sa Sitio Salad sa Barangay Malpalon.

Tumagal ng humigit-kumulang 10 minuto ang bakbakan na nagresulta sa pagkuha ng isang M-16 rifle, M-14 rifle, anti-personnel mine, hand grenade, rifle grenade, bandolier, at mga subersibong dokumento.

“With the AFP’s persistent focused military operations alongside the cooperation and support of other agencies and local government units, we will continue to pressure the communist terrorists to lay down their arms and go back to the mainstream society,” ayon kay AFP chief Gen. Andres Centino sa kanyang statement.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.