2 pasahero pa rin ang nawawala sa nasunog na RoRo sa Batangas

0
315

Batangas City, Batangas. Nasunog bandang 5:59 kahapon ng hapon ang isang RoRo vessel sa karagatan na nasasakupan ng Batangas.

Batay inisyal na imbestigasyon, ang RoRo vessel na MV ASIA PHILIPPINES ay may 82 sakay kabilang ang 48 pasahero at 34 crew. May lulan din itong 16 rolling cargo.

Sugatan ang isang 44 taong gulang na babaeng pasahero na isinugod ito sa hospital.

Ayon sa update kanina, sinabi ng PCG na nailigtas na ang nasa 47 na pasahero at lahat ng 38 tripulante kaninang 8 a.m.

Kaugnay nito, nawawala pa rin ang dalawang pasahero ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pagpapatuloy ng paghahanap at imbestigasyon, sinabi ng PCG na may posibilidad na nailigtas na ang dalawa at nakauwi na ngunit hindi nai-dokumento ng maayos.

Ang MV Asia Philippines ay umalis mula sa Port of Calapan sa Oriental Mindoro patungo sa Batangas Port bandang alas-3 ng hapon kahapon.

Pagsapit ng 6 p.m., ang Coast Guard Station (CGS) Batangas ay nakatanggap ng tawag sa radio ng Vessel Traffic Management System – Batangas hinggil sa isang insidente ng sunog.

Ang CGS Batangas ay nagpadala ng kanilang Quick Response Team, Special Operations Group, at mga medical personnel na may mga floating asset.

Bandang alas-7:30 ng gabi, 73 ang naiulat na nailigtas, kabilang ang isang sugatang 43-anyos na babae na dinala sa ospital.

Pagsapit ng 9 p.m., ang sunog sa barko ay itinuring na “nakontrol” at nabawasan sa 1 porsyento pagkalipas ng 47 minuto.

“Vessel was reported listing or leaning approximately 10 degrees to Port, 2nd Deck with approximately 80 percent damage, 3rd Deck approximately 90 percent damage,” ayon sa report ng PCG.

Bandang alas-10:20 ng gabi, hinila ng Tug Boat Fortis ang barko at dumating sa Batangas Anchorage bandang alas-10:45 ng gabi. (PNA)

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.