2 Pinoy, kinumpirma ng DFA na nasawi sa malakas na lindol sa Myanmar

0
83

MAYNILA. Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Abril 10, na dalawang Pilipino na ang nasawi sa tumamang magnitude-7.7 na lindol sa Myanmar noong Marso 28.

“The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28,” ayon sa pahayag ng DFA.

Ayon pa sa DFA, naipabatid na sa pamilya ng biktima ang malungkot na balita. Gayunman, sa paggalang sa kagustuhan ng pamilya, hindi na isinapubliko ang karagdagang detalye tungkol sa pagkakakilanlan ng ikalawang nasawi.

“Out of respect for the wishes of the family, the Department is unable to provide any further details,” dagdag ng ahensya.

Nauna nang kinilala ng DFA nitong Miyerkules ang unang Pilipinong nasawi sa trahedya na si Francis Aragon, 38-anyos, na nagtatrabaho bilang physical education teacher sa Myanmar. Isa si Aragon sa apat na overseas Filipino workers (OFWs) na napaulat na nawawala matapos gumuho ang kanilang condominium building sa Mandalay dulot ng matinding lindol.

Sa ngayon, dalawa pa sa mga nawawalang Pilipino sa Mandalay ang hindi pa rin natatagpuan. Patuloy naman ang pag-asa ng DFA na makakaligtas pa ang natitirang mga nawawala.

“We continue to hope for the best for the remaining two Filipinos still unaccounted for in Mandalay, Myanmar,” ayon pa sa DFA.

Patuloy ang koordinasyon ng embahada ng Pilipinas sa Yangon sa mga lokal na awtoridad sa Myanmar para sa search and rescue operations, at upang mabigyan ng suporta ang mga apektadong Pilipino sa nasabing bansa.

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes, Abril 10, na dalawang Pilipino na ang nasawi sa tumamang magnitude-7.7 na lindol sa Myanmar noong Marso 28.

“The Department of Foreign Affairs is informed by the Philippine Embassy in Yangon of the positive identification of the remains of a second confirmed Filipino victim of the powerful 7.7 earthquake which hit Myanmar last March 28,” ayon sa pahayag ng DFA.

Ayon pa sa DFA, naipabatid na sa pamilya ng biktima ang malungkot na balita. Gayunman, sa paggalang sa kagustuhan ng pamilya, hindi na isinapubliko ang karagdagang detalye tungkol sa pagkakakilanlan ng ikalawang nasawi.

“Out of respect for the wishes of the family, the Department is unable to provide any further details,” dagdag ng ahensya.

Nauna nang kinilala ng DFA nitong Miyerkules ang unang Pilipinong nasawi sa trahedya na si Francis Aragon, 38-anyos, na nagtatrabaho bilang physical education teacher sa Myanmar. Isa si Aragon sa apat na overseas Filipino workers (OFWs) na napaulat na nawawala matapos gumuho ang kanilang condominium building sa Mandalay dulot ng matinding lindol.

Sa ngayon, dalawa pa sa mga nawawalang Pilipino sa Mandalay ang hindi pa rin natatagpuan. Patuloy naman ang pag-asa ng DFA na makakaligtas pa ang natitirang mga nawawala.

“We continue to hope for the best for the remaining two Filipinos still unaccounted for in Mandalay, Myanmar,” ayon pa sa DFA.

Patuloy ang koordinasyon ng embahada ng Pilipinas sa Yangon sa mga lokal na awtoridad sa Myanmar para sa search and rescue operations, at upang mabigyan ng suporta ang mga apektadong Pilipino sa nasabing bansa.

Author profile

Si Venus L Peñaflor ay naging editor-in-chief ng Newsworld, isang lokal na pahayagan ng Laguna. Publisher din siya ng Daystar Gazette at Tutubi News Magazine. Siya ay isa ring pintor at doll face designer ng Ninay Dolls, ang unang Manikang Pilipino. Kasali siya sa DesignCrowd sa rank na #305 sa 640,000 graphic designers sa buong daigdig. Kasama din siya sa unang Local TV Broadcast sa Laguna na Beyond Manila. Aktibong kasapi siya ng San Pablo Jaycees Senate bilang isang JCI Senator.

We appreciate your thoughts. Please leave a comment.