2 SHS students, patay sa aksidente

0
284

Bauan, Batangas. Agad na namatay ang dalawang senior high school students matapos banggain ng isang owner type jeep ang traysikel na kanilang sinasakyan, kamakalawa sa Brgy. Manghinao, Bauan, Batangas.

Ayon sa paunang imbestigasyon na isinagawa ni PCpl Raymond Matibag ng Bauan police station, bumabagtas sa kahabaan ng national highway ang traysikel na minamaneho ng isang nagngangalang Cenon Capiling sakay ang dalawang menor de edad ng bigla itong banggain ng jeep na minamaneho naman ng driver na kinilalang si Arlo Mendoza, 65, residente ng Barangay Balo ng nabanggit na bayan.

Ayon sa mga nakasaksi na naganap na aksidente, tumilapon ang dalawang estudyante dahil sa lakas ng pagkakabangga sa traysikel.

Ang dalawang biktima na pawang mga residente ng Brgy. Latag, Lipa CIty ay isinugod sa ospital ngunit hindi na sila umabot ng buhay. 

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.