2 suspek naaresto dahil sa ilegal na pagsusugal; nahulihan ng loose firearm

0
324

Calamba City, Laguna. Nasakote ng mga miyembro ng Calamba City Police Station (CPS) ang dalawang suspek habang naglalaro ng “Ten-Balls” kaninang umaga sa Lakebreeze 1, Brgy. Looc, lungsod na ito.

Nagulat ang mga pulis ng makita sa kanila ang isang kalibre 38 revolver at anim bala kasama ng mga gambling paraphernalia na nakalagay sa loob ng isa sa body bag.

Kinilala ang mga suspek na sina Ronaldo Alcantara Cortez at Dinnes Aganan Dao, kapwa residente ng Brgy. Looc, sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Police Regional Office CALABARZON (PRO CALABARZON) Acting Regional Director, PBGEN Jose Melencio C Nartatez Jr., na ang nasabing matagumpay na operasyon ay bunga ng pinaigting na pagsisikap at patuloy na operasyon ng pulisya dito police laban sa lahat ng uri ng Illegal Gambling.

Dinala sa Calamba City Police Station ang mga hinuling suspek at nakatakdang humarap sa kasong kriminal.

Ang Enhanced Managing Police Operations ay isa sa mga priority thrust ni Nartatez. “Hinihikayat ko ang bawat pulis dito sa PRO CALABARZON na manatiling matatag sa pagpapatupad ng mga batas laban sa iligal na sugal at lalo pang pataasin ang ating police visibility upang hadlangan ang mga posibleng insidente na may kaugnayan sa loose firearms,” ayon kay Nartatez.

Samantala, iniulat ng PRO CALABARZON na 120 anti-illegal gambling operations na ang kanilang naisasagawa na nagresulta sa pagka aresto sa 259 na mga suspek simula ng maupo si Nartatez tatlong linggo pa lamang ang nakakalipas.

Author profile
roy tumandao
Roy Tomandao

Si Roy Tumandao ay kasalukuyang pangulo ng Camp Vicente Lim Press Corps. Nagsimula siya sa larangan ng media noong 1992 at aktibo bilang  photo journalist at news correspondent para sa iba’t ibang tabloid. Broadcaster siya ng DZJV 1458 Radyo Calabarzon.