2 suspek sa ambush-slay ng police asset, nasakote

0
182

TANZA, Cavite. Nalambat na ng mga awtoridad ang dalawang sa apat na pinaniniwalaang responsable sa pag-ambush at pagpatay sa isang police asset sa isinagawang follow-up operation sa bayang ito kahapon.

Ayon kay Major Dennis Villanueva, hepe ng Tanza Municipal Police Station, hindi pa ilalabas ang pangalan ng dalawang nadakip na suspek sa pagpatay kay Richard Dela Cruz Reyes, isang dating undercover asset ng Tanza Police dahil sa kasalukuyang isinasagawang operasyon laban sa gunman at may-ari ng getaway motorcycle na ginamit sa krimen.

Sinabi ni Villanueva na si Reyes, isang bus conductor, ay papauwi na sa kanilang bahay sakay ng tricycle galing sa kanilang bus company, nang tambangan siya ng dalawang riding-in-tandem sa harap ng isang gasolinahan sa A. Soriano Highway sa Barangay Capipisa, Tanza, noong Sabado ng umaga.

Tinitingnan ng mga imbestigador ang posibilidad na ang motibo sa pagpatay kay Reyes ay maaaring paghihiganti o dating alitan, dahil police asset din siya ng Naic Police Station.

“We are able to identify all four suspects, even the gunman and owner of the motorcycle, however, we don’t want to thwart or pre-empt the operation against them,” ayon kay Villanueva.

Author profile
Arman B. Cambe

Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.