Dasmariñas City, Cavite. Namatay sa sunog ang isang dalawang taong gulang na batang lalaki matapos siyang maiwanan sa loob ng nasunog nilang bahay sa lungsod na ito kahapon.
Ayon sa report ni Fire Officer 3 Jovic Manalo ng Dasmarinas Fire Department, sumiklab ang apoy dakong ika 3.30 ng hapon habang mahimbing na natutulog ang tatlong magkakapatid na pawang mga kabataan. Unang nagising ang panganay na si Hanah Mae Ponce ng makitang umaapoy ang likurang bahagi ng kanilang bahay.
Agad na binitbit ni Hanah Mae ang tatlong taong gulang nitong kapatid na si Roberto Gonzalez at ligtas na nakalabas ng bahay ngunit nakaligtaan nito ang isa pang kapatid na si John Lloyd sa loob ng nasusunog nilang bahay. Huli na ng maalala niya ang bunsong kapatid.
Ayon sa imbestigasyon ng mga bumbero, yari sa light materials ang dalawang bahay na nasunog.
Arman B. Cambe
Si Arman B. Cambe ay naging ABS-CBN news correspondent noong 1987-1989. Naging provincial correspondent ng Headline news, isang national daily tabloid at 10 taong naging Laguna broadcast correspondent ng Radio Veritas. Contributor din siya sa loob ng 5 taon sa Peoples Journal group of companies. Naging Professor ng Journalism at Broadcasting ng 15 taon sa Laguna State Polytechnic University, Sta. Cruz Campus at 5 taon na naging Teacher exchange scholar sa Don Bosco at St. Dominic Institute sa Bangkok, Thailand.